13 lady bus drivers sinertipikahan ng TESDA

GANAP nang sinertipikahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang 13 lady bus drivers na sumailalim sa pagsasanay sa road and safety practices.

Ang pagbibigay ng sertipikasyon sa mga lady drivers ay isang magkasanib na inisyatibo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at TESDA sa ginawang competency assessment sa nakapasang driver na pinagkalooban ng certificate for Driving NC III.

Ang mga nakapasang lady driver ay ikalawang batch ng trainees na inilunsad ng  TESDA at MMDA para sa paghahanap ng babaeng tsuper ng bus.

“We have nothing against male drivers, but we thought that fielding lady drivers on the road would moderate their over-enthusiastic driving behavior and temper their being speed freaks,” pahayag ni
TESDA Director General Joel Villanueva.

Ipinaliwanag ni Villanueva na ang mga babaeng bus drivers ay palaging nasa kaisipan ang pagbibigay ng kaligtasan sa mga  commuters.

“Being a female driver could even be a plus factor for hiring by bus companies and operators,” ayon pa kay Villanueva. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply