13 namatay dahil sa dengue sa QC

NASA 13 na ang namamatay dahil sa sakit na dengue sa Quezon City sa mahigit lamang na apat na buwan ng 2011.

Ito ang sinabi ngayon, Biyernes, ni Dra. Antonia Enumerable, Quezon City health officer, matapos mabahala ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa lungsod.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Enumerable na mula Enero 2011 hanggang Mayo 7, 2011, umaabot sa 1,807 ang kaso ng dengue sa siyudad.

Labingtatlo na ang namamatay.

Mas marami ito kaysa noong 2010 sa kaparehong panahon, kung saan may naitalang 529 kaso ng dengue at tatlo lamang ang namatay.

Bunga ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod nagsama-sama ang lokal na pamahalaan ng lungsod, Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang gawaing nakatuon sa pagpuksa ng sakit na ito.

Sinabi naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na sa ngayon ay pinatindi na nila ang kampanya laban sa dengue dahil lahat ng tanggapan ng pamahalaang panglungsod ay magkakasamang gumagawa ng mga programa at hakbang para maiwasan ang sakit na dengue sa lungsod, kasama ang DENR at DOH.

Sa kanyang panig, sinabi ni Dr.  Eric Tayag ng DOH-National Epidemiology Center na hindi lamang sa dengue sila nakatuon, bagkus sa iba pang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis at iba pa.

Pinasalamatan din ni Tayag ang pamahalaan ng siyudad dahil hindi ito umasa sa pondo ng DOH para sa mga programang pangkalusugan.

Iniulat din ni Dr Tayag, na sa buong bansa, tumaas naman ng walong porsiyento ang kaso ng dengue mula Enero 2011 hanggang May 7,2011, na may 22,903 cases at 141 ang namatay sa sakit.

Ang Metro Manila aniya ang may pinakamaraming kaso ng dengue, sumunod ang Region 3–Central Luzon, Region 4-a Southern Luzon at Region 1. Santi CelarioNASA 13 na ang namamatay dahil sa sakit na dengue sa Quezon City sa loob lamang ng limang buwan ngayong 2011 at ang pagtaas ng kaso ay hindi lamang sa lunsod maging sa Kamaynilaan.

Ito ang sinabi ngayon, Biyernes ni Dra. Antonia Enumerable, QC City health officer, matapos mabahala ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City kaninang umaga sinabi ni Dra. Enumerable na mula Enero 2011 hanggang Mayo 7, 2011, umaabot sa 1,807 ang kaso ng dengue sa QC at 13 na ang namatay. Mas ito kaysa noong 2010 sa kaparehong period  kung saan may naitalang 529 dengue cases at 3 dito ang namatay.

Bunga ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod nagsama-sama ang QC government, Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kanina sa isang comprehensive collective approach para puksain ang sakit na ito.

Sinabi naman ni QC Mayor Herbert Bautista, sa ngayon ay pinatindi na nila ang kampanya laban sa dengue dahil lahat ng tanggapan ng QC Hall ay magkakasamang gumagawa ng mga programa at hakbang para maiwasan ang sakit na dengue sa lungsod kasama ang DENR at DOH.

Sa kanyang panig, sinabi ni Dr.  Eric Tayag ng DOH-National Epidemiology Center, na hindi lamang sa dengue sila nakatuon bagkus sa iba pang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis at iba pa.

Pinasalamatan din ni Tayag ang QC governement dahil hindi ito umasa sa pondo ng DOH para sa mga programang pangkalusugan dahil may sarili silang pondo rito dahilan naman para mailaan sa ibang LGUs ang natipid na pondo na laan sana sa QC.

Iniulat din ni Dr Tayag, na sa buong bansa, tumaas naman ng walong porsiyento ang kaso ng dengue mula Enero 2011 hanggang May 7,2011, na may 22,903 cases at 141 ang namatay sa sakit.

Ang Metro Manila aniya ang may pinakamaraming kaso ng dengue, sumunod ang Region 3–Central Luzon, Region 4-a Southern Luzon at Region 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply