13 rebelde patay, 4 tiklo sa sagupaan

LABINTATLONG rebelde ang napatay ng mga awtoridad, kabilang ang isang local communist leader, sa dalawang magkahiwalay na engkuwentro sa loob lamang ng 24 oras, habang apat pang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. General Raul Bacalzo, naganap ang unang sagupan bandang alas-3:30 p.m. nitong Huwebes sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at pinagsanib na puwersa ng PNP-Regional Police Safety Battalion, PNP-Regional Intelligence Division-Police Regional Office 2, Cagayan Provincial Police Office sa hangganan ng Barangay Lakambini, Tuao at Sto. Domingo, Piat, Cagayan.

Hindi tinantanan ng mga tauhan ng PNP, sa pamumuno nina P/Sr. Supt. Teodor Basa, P/Supt. Madzgani Mukaram at P/Supt. Alexander Rafael, ang isang malaking pangkat ng NPA. Tumagal ng halos dalawang oras ang sagupaan na ikinasawi naman ng limang NPA, kabilang ang isang local communist leader.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP Chief Public Information officer, P/Chief Supt Agrimro Cruz, Jr., limang NPA cadre ang napatay habang apat na sugatang communist guerilla ang kanilang nadakip.

Bukod dito, nakasamsam din ang mga tropa ng kapulisan ng walong long firearms at apat na short firearms matapos ang isinagawang clearing operation sa pinangyarihan ng enkuwentro.

Nabatid pa kay Cruz na may dalawang pulis ang itinakbo sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City matapos na masugatan sa labanan.

Samantala, walong rebelde na kabilang sa breakaway group na kasapi umano ng Hukbong Mapagpalaya sa Bayan (HMB) na lumilinya na ‘di umano sa criminal activities ang napaslang sa lalawigan ng Nueva Ecijia sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Army Northern Luzon Command (Nolcom) sa pamumuno ni Lt. Gen Gaudencio Pangilinan.

Ayon kay Nolcom Spokesman Lt. Col. Rod Armas, nakasagupa ng mga tauhan ni Army Col. Felicito Virgilio Trinidad, commander ng 702nd Brigadem at ng Provincial Police Security Command, dakong alas-7:30 ng umaga nitong Biyernes sa bisinidad ng National Irigation Administration Road, Poblacion West, RizaI, Nueva Ecijia ay walong aramadong kalalakihan ang napatay nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang pangkat na HMB.

Matapos ang pakikipagpalitan ng putok ay tumambad ang walong bangkay. Kasunod naman ng isingawang clearing operation, nasamsam ng tropa ng pamahalaan ang wala ng buhay na sina alias “Caesar”, “Jerry” at “Ricky” habang inaalma pa ang kakikilanlan ng lima pang napatay.

Nakuha sa pinagyarihan ng labanan ang limang caliber .38 pistol, isang 9 mm pistol at dalawang fragmentation grenade.

Sa report na isinumite nina P/Supt. Edgar Allan Okubo, PPSC Nueva Ecija forces sa ilalim ng pamumuno ni  PIB chief, P/Supt. Ricardo Villanueva, PSRT sa ilalim ni P/Sr Imsp Joseph Sta Cruz, at  composite forces ng Army  48 Infantry Battalion , 81 Infantry Battalion at 72nd D Recon Company  na nasa ilalim ng  702 Brigade na pinamumunuan ni Ltcol  Kurt Decapia  ay nakasagupa nila ang nasabing pangkat.

Base sa intelligence report, ang pangkat ng HMB na lulan ng Toyota Corolla (UGN 659) at Mitsubishi Lancer (899) ay planong pasukin at tangayin ang payroll ng isang business firm na naka-base sa San Jose City, papaakyat ng Aurora Provincial Rd.

Matapos na pumutok ang planong hold-up ng HMB, agad na nagasagawa ng checkpoint ang iba pang mga operatiba sa kahabaan ng kalsada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply