14-anyos sinermunan ng nanay nagpakamatay

HINDI akalain ng mga magulang ng 14-anyos na binatilyo na dahil sa kanilang pangangaral ay nagawang magpakamatay ng kanilang anak sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili sa Tacloban City.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame , isang tama ng punglo sa sentido mula sa kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ni Tonton, hindi tunay na pangalan ng Barangay Lolita, nasabing lungsod, iniulat kanina.

Sinasabing napagalitan ito ng kanyang ina at dahil sa tindi ng sama ng loob ay nagpasyang magpatiwakal.

Sa pahayag ng isang Elizabeth, kasambahay ng pamilya, sinabi nito na umiiyak ang bata nang pumasok sa kanyang kwarto na may dala-dalang baril.

Matapos ang ilang minuto ay narinig na lang ng kasambahay ang isang putok na galing sa kwarto ng biktima.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang kalibre .45  na sinasabing ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply