15 katao dinale ng buhawi sa Amerika

TINATAYANG 15 katao ang nasawi makaraang magdamag na salantain ng buhawi ang ilang estado ng Amerika.

Naitala ang walo ang patay sa Oklahoma, apat sa Arkansas, dalawa sa Kansas City at isa sa Texas.

Umabot sa 200 flights ang kinansela sa Dallas habang 60 ang idinerekta sa ibang paliparan upang lumapag.

Kaugnay nito, naitala ang 125 patay makaraang salantain din ng buhawi ang Missouri. Tinatayang 823 ang sugatan.

Inaasahang marami pang buhawi ang tatama sa nasabing bahagi ng Amerika ayon sa pagtaya ng weather service.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply