144 na pagyanig naitala sa Bulkang Bulusan sa 24 oras

BAGAMA’T nananatili sa Alert level 1 ang Bulkang Bulusan ay nakaaalarma pa rin ang 144 na pagyanig na taila sa nakalipas na magdamag.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang 80 pagyanig sa 144 ay naitala sa loob ng pitong oras kahapon (lunes) mula 5:00 ng umaga hanggang tanghali.

Kaugnay nito, nagbabala ang Phivolcs sa posibleng pagsingaw ng gas dulot ng “phreatic” na pagsabog.

Ayon sa ahensya, maaaring maulit ang nasabing pangyayari kung pagbabatayan dito ang pag-aalburuto ng bulkan nitong May 13, 2011.

Mahigpit pa ring ipingababawal ang pagpasok sa  4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa bantang pagbuga ng usok at pagbuga ng abo.

Pinagbawalan  din ng Phivolcs  ang mga sasakyang panghimpapawid na dumaan sa kanlurang bahagi ng bulkan dahil sa volcanic debris na maaring dalhin ng umiiral na hangin.

Ang mga naninirahan naman malapit sa bulkan ay pinaalalahanan na maging alerto laban sa maaaring pagdaloy ng lahar dulot ng mga pag-ulan.

Samantala, nagtala naman ng tig-anim na pagyanig ang Bulkang Taal at Mayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply