Pinay figure skater, lalahok sa US comp

ISANG 15-anyos highschool student mula sa Greenheights Subdivision, Barangay San Isidro, Parañaque City ang naimbitahang makibahagi sa 25th Annual Sky Rink ISI Endorsed Team Competition na gaganapin sa Hunyo 3-5 sa Chelsea Piers, New York, United States of America.

Si Jem Aizen Guhit ay naanyayahang lumahok sa isang prestihiyosong kumpetisyon sa Estados Unidos. Ang opisyal na imbitasyon ay mula kay Kenny Moir, competition director at director of figure skating ng Sky Rink at Chelsea Pier.

Ayon kay Moir, sa kanilang paligsahan taun-taon ay marami na silang naimbitahang mga ice skaters mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig, subalit si Guhit lamang ang kauna-unahang Filipina na kanilang naanyayahan sa nasabing patimpalak.

Bago pa man sa nasabing imbitasyon, lumahok na si Guhit sa maraming prestihiyosong kumpetisyon at nakaani ng maraming medalya ng karangalan kabilang ang dalawang gold at isang silver medal sa 2010 ISI 30th Annual Skate World Recreational Team Championship, Marlboro, Mass, USA (July 26-31, 2010); isang gold at dalawang silver medals sa 2009 ISI Skate Hongkong; dalawang gold at isang silver sa SM Summer Skate 2009; isang gold sa SM Skate Manila 2008; tatlong gold at isang bronze medal sa SM Summer Skate 2008; at isang silver at 1 bronze naman sa Skate Asia 2007.

Pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon No. 11-037 (049), Serye ng 2010, isang lokal na lehislasyon na kumikilala sa mga tagumpay ni Guhit sa larangan ng figure skating at naggagawad sa kanya ng plake ng pagkilala at apatnapung libong piso bilang insentibo.

Sa rekomendasyon ni Konsehal Benjo Bernabe at ng Youth and Sports Development Office head, Louie Perez, si Jem Aizen Guhit ay hinirang din bilang isa sa “2011 Outstanding Citizens of Parañaque” sa seremonya sa selebrasyon ng “Parañaque Cityhood”.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply