15 pagyanig naitala sa Bulkang Mayon

NAITALA ang 15 volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon sa Albay sa loob ng magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Maliban dito, namonitor din ang isang rockfall-related event at ang pagbuga nito ng usok sa bunganga na umabot sa 400 metro ang taas.

“Mayon Volcano’s seismic network recorded 15 volcanic earthquakes and one rockfall-related event during the past 24 hours. Moderate emission of white steam that reached a maximum height of 400 meters above the summit crater was observed drifting west–southwest and southwest,” mula sa huling update ng ahensya.

Gayunman, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Mayon at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng mga tao lalo na ang mga residente sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply