15 shuttle bus ikinalat sa isinarang LRT stations

NAGPAKALAT ng 15 shuttle bus ang pamunuan Light Rail Transit (LRT) para mapunan ang  abala sa pansamantalang pagsasara ng anim na istasyon ng LRT Line 1.

Gayunman, sa kabila nang paghatid at pagsundo ng mga bus ay hindi pa rin naiwasan ang pagkadismaya nang maraming commuters sa abalang idinulot nang pansamantalang pagsasara dahil na rin sa traffic na nararanasan sa mga lansangan lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Nakadagdag pa sa inis ng ilang pasahero ang pagkasira ng isa sa 15 shuttle bus kaya’t tumulong na rin ang mga bus ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Humingi naman ng paumanhin si Atty. Hernado Cabrera, tagapagsalita ng LRTA Light Trail transit Authority (LRTA), sa mga apektadong commuters na hindi nila maseserbisyuhan sa loob ng tatlong araw.

Simula kahapon (Sabado) ay pansamantalang sarado ang mga LRT stations na kinabibilangan ng  Roosevelt Station at Balintawak sa Quezon City; Monumento at 5th Avenue sa Caloocan City; at R. Papa at Abad Santos sa Maynila.

Inaasahang aabot hanggang Lunes ang pansamantalang pagsasara bagamat minamadali ng LRTA ang proyekto upang kaagad itong matapos.

Sa tantiya nang LRTA aabot sa 300,000 pasahero ang apektado at aabot sa P4 milyon ang malulugi sa LRT sa loob ng tatlong araw na pansamantalang pagsasara.

Pansamantalang isinara ang mga istasyon para bigyan nang daan ang isasagawang pagkonekta ng permanente sa signaling system ng North Extension Project.

Layunin ng pagmimintine na makapagbigay ng mas episyente at ligtas na serbisyo ang LRT.

Ayon kay Cabrera, ang signaling system ay ang siyang nagkukontrol ng speed o bilis ng tren at safe distance o ligtas na pagitan ng dalawang tren at nag-a-activate ng emergency break nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply