15 suspek sa Maguindanao massacre hiling makapagpiyansa

HINILING sa korte ng 15 akusado sa Maguindanao Massacre, kabilang si Datu Sajid Ampatuan na payagan silang makapagpiyansa.

Ang petisyon to file bail ay inihain ng mga akusado nitong Huwebes dahil ang pagkakasangkot umano nila sa usapin ay base sa fabricated statements.

Ang tatlong magkakahiwalay na petisyon kabilang ang sa Ampatuan ay inihain sa  Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Kabilang sa 14 na petitioners sina  Tato Sampogao, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Senior Police Officer 2 George Labayan, Senior Police Officers 1 Elizer Rendaje, Alimola Guinaton, Police Officer 3 Ricky Balanueco, Police Officer 2 Rexson Guiama, Police Officers 1 Amir Solaiman, Ebara Bebot, Tamano Uadi, Michael Macarongon, Mahamad Balading at Bensidik Alfonso.

Nakasaad sa petisyon na ang iprinisintang ebidensya ng prosekusyon ay mahina para direktang isama sila sa naganap na karumal-dumal na krimen noong November 23 sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.

Iginiit pa ni Ampatuan sa korte na pahihintulutan na silang makapaghain ng piyansa bago ang arraignment.

Tiniyak naman ni Ampatuan na makikipagtulungan siya sa pagdinig ng usapin sa trial court kapag pinayagang makapag-piyansa

“The trial court could ensure the presence of the petitioner at the arraignment precisely by granting bail and ordering his presence at any stage of the proceedings, such as arraignment,” nakasaad sa petisyon ni Ampatuan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply