151 OFW sa Saudi Arabia ililikas– DFA

IPINAHAYAG Department of Foreign Affairs (DFA) na 151 stranded overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia ang nakatakdang ilikas pabalik ng Pilipinas ngayong linggo

Ang pagpapalikas sa mga OFW ay kaugnay sa ipinarating ng ulat ng Philippine Consulate General sa Jeddah na ang mga over-stayed OFW ay nakahanda na para sa gagawing repatriation ng Jawazat (Saudi Directorate General for Passports).

Iniulat ng DFA, naayos na ang flight bookings ng mga OFW na kinabibilangan ng 93 lalaki, 32 babae at 26 na mga bata.

Nauna rito, ipinahayag ng Consulate na tinutulungan nila ang pagbabalik sa bansa ng  972 Filipinos mula sa 1,160 na namamalagi sa Consulate-operated Hajj Terminal facility mula pa noong January 24.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply