16-anyos na binatilyo binoga, todas

PATAY ang isang 16-anyos na batang lalaki matapos na barilin ito ng mga di nakilalang salarin, Biyernes ng madaling araw, Mayo 6, sa Binondo, Maynila.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Reynaldo Dacollos, residente ng 70 Area C, Gate 54, Parola compound, ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Tinutugis naman at inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga tumakas na salarin matapos ang ginawang pamamaril sa biktima.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 3:10 ng madaling araw nang naganap ang pamamaril sa ilalim ng Jones Bridge sa Muello del Rio St., Binondo, Maynila.

Sa pahayag naman ng ina ng biktima na si Aling Milagros, binaril umano ng di nakilalang lalaki ang kanyang anak sa ilalim ng nasabing tulay.

Hinala ng , npulisyaadamay lamang ang biktima na noon ay naliligo lamang sa lugar nang maganap ang pamamaril.

Masusing iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing krimen upang malaman ang motibo at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply