16 karatekas sumuporta kay GTK, nagboycott

NIRENDAHAN nina Marna Pabilore, gold medal winner sa 2009 Laos Southeast Asian Games at silver medalist sa 2006 Doha Asia Games, at Lutche Metante, 2003 Vietnam SEAG bronze medalist, kasama ang 14 pang top karatekas ng bansa ang nagdesisyon na hindi lumahok sa patuloy na hostilidad ng POC-PSC National Games sa Bacolod City.

Ang iba pang karatekas na hindi lumahok sa nasabing torneo ay sina fellow nationals Noel Espinosa,  Ace Eso, Rolando Lagman, Jr., Irineo Toribio, Mike Dumayag, Erlando Metante, Jr., Joel Gonzaga, Gierby Lacorte, Ricardo Elinon, Renato Manalo at ang junior team na sina Sharief Afif, John Paul Morales, Narvin Bucol, at Raymund Mejico.

Ayon kay Go Teng Kok, incubent president ng Philippine Karatedo Federation, nagboycott ang mga top karatekas ng Pilipinas sa POC-PSC National Games sa Bacolod City.

Si Go, kasama si PKF secretary-general Edward Ponce, legal counsel lawyer Samuel Estimo, ay naghaing nitong Biyernes ng panibagong TRO (Temporary Restraining Order) at petition for Injunction sa Pasig Regional Trial Court ng para mapigilan ang pagsasagawa ni POC spokesman Joey Romasanta ng election ng PKF officers na nakatakda kahapon (Mayo 25) sa Bacolod City.

Kumpiyansa sina Go, Ponce at Estimo at ang labing anim na karatekas kasama ang majority group ng PKF na ang kanilang grupo ang kikilalanin ng POC bilang tunay na asosasyon ng karatekas sa bansa. Ating magugunita, si Romasanta, dating gintong alay head ay nagbitiw na sa kanyang deputy president position sa karatekas matapos ang Asian Games dahil na din sa hindi nila pagkakasunod ni Go sa mga bagay bagay.

“There were even no notices and agenda containing an item for said election sent to the members of the General Assembly ” una ng giit ni Ponce hinggil sa eleksiyon na isasagawa ni Romasanta.

“This is a clear violation of the PKF charter, and a brazen deviation from the “Ang Daang Matuwid ” policy of the Aquino administration.”

Sa isang banda, una ng nagsabi sina Pabilore at Metante na solido ang kanilang suporta sa liderato ni Go, “full support kami sa liderato ni Mr. Go Teng Kok.”  Ang PKF officers kasama ang athletes at mga sympathizers ay nag paplano magsagawa ng rally sa susunod na linggo bilang protesta sa lawlessness ng Philippine sports. Nais din nila iparating sa House Committee on Sports ang nasabing pangyayari para maimbestigahan na nag demoralize sa mga karatekas.

Si Go ang tumulong kay POC chairman Jose “Peping” Cojuangco para manatili ang huli sa kanyang posisyon matapos ungusan ng isang boto si dating shooting head Art Macapagal. Si Jose “Peping” ang tiyuhin ni pangulong Noynoy Aquino habang kapatid naman ni Art si dating presidente Gloria Macapagal Arroyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply