172 bagong kaso ng HIV naitala ng DoH

NAKAPAGTALA ng 172 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) noong Marso ang Department of Health (DOH).

Dahil dito, umabot sa 6,498 ang bilang ng mga kaso ng HIV sa bansa mula noong unang natukoy ito taong 1984.

Mula Enero hanggang Marso, may 483 HIV Ab sero-positive cases ang nakumpirma sa bansa. Mataas umano ito ng 43 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Batay din sa datos ng DOH, 92 porsyento nito ay lalaki na may median age na 27. Ang mga nagka-HIV ay mula 20 hanggang  29 taong gulang.

Nasa 49 porsyento naman o 85 sa 172 bagong kaso ng HIV ay nagmula sa Metro Manila.

Isa sa HIV-positive cases ay nauwi na sa acquired immunodeficiency syndrome ( AIDS) at nakuha umano ito ng biktima sa bisexual contact.

Nabatid na mula 1984, may 324 na ang nasawi sa AIDS.

“Reported mode of transmission was sexual contact [male having sex with other males (homosexual and bisexual) was the predominant type of sexual transmission,”saad sa DOH bulletin.

Nabatid din na sa 172 bagong kaso, 27 ay overseas Filipino workers (OFWs) 24 ang lalaki, tatlo ang babae na pawang nakakuha ng HIV infection sa pakikipagtalik.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply