175,000 mangangawa apektado sa total palstic ban

AABOT sa 175,000 manggagagwa ang maaapektuhan at posibleng mawalan ng trabaho kapag naipatupad na ang total plastic ban.

Ito ang pinangangambahan ng ilang kumpanya ng plastic sa bansa sa maaaring maging epekto sa ipinapatupad na total ban sa pagggamit ng plastic bag.

Ayon kay Ginoong Christian Lao, pangulo ng Philippine Plastic Industry, sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan na  aabot sa 175,000 manggagagwa ang mawawalan ng trabaho sa mga pabrika ng plastic kapag sila ay tuluyang ipasara ng gobyerno.

Ang pahayag ni Lao ay kasunod ng isinusulong na panukala sa Mababang Kapulungan hinggil sa total plastic ban sa bansa .

Ito ay dahil umano sa nagiging sanhi ng pagbara ng mga palstic na nagiging basura na bumabara sa mga estero sa Metro Manila lalo na tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Lao, hindi dapat umano isisi sa plastic ang nararanasang  baha sa National Capital Region kundi sa kapabayaan ng lokal na pamahalaan kung saan siyang nagpapatupad ng batas sa paghihiwalay ng mga basura at pagkakalat.

Aniya, ang nasabing batas ay matagal nang umiiral subalit hindi ito binibigyan ng kaukulang pansin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang mapanagot ang mga iresponsableng mamamayan na nagtatapon ng mga nakakabarang basura at plastic.

Kaugnany nito, limang taon naman ang hinihiling na palugit ni  Lao sa pamahalaan upang makapag-isip sila ng alternatibong ipapalit sa kanilang palstic industry sakaling maisabatas na ang total plastic ban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply