18 container vans kinumpiska ng Customs

KINUMPISKA ng Bureau of Customs ang may 18 container vans na naglalaman ng ibat-ibang smuggled goods na nagkakahalaga ng P31 milyon.

Kabilang sa mga ito ang 10 na may kargang mga sasakyan tulad ng Kia Carnival, Hyundai Starex, mga musical instruments , ceramic tiles at mga electric fans.

Ang mga ito ay kinumpiska dahil lubhang pinababa ang halagang idineklara, hindi tama ang klasipikasyon sa dokumento, sadyang minali ang deklarasyon kung ano ang laman ng kargamento, inabandona at ang address ng consignee ay gawa-gawa lamang .

Ayon kay Filomeno Vicencio, Jr., direktor ng Customs Intelligence and Investigation-Operations Sections, ang pagkakahuli sa mga kargamento ay nagbukas sa modus operandi ng mga sindikato na gumagamit ng mga opisina na hindi naman totoo gaya ng Cren Trading na umano’y isa sa mga consignee na inilagay ang address sa Quiapo, Manila. Nang puntahan iuto ng mga awtoridad ay ibang opisina ang gumagamit ng nasabing lugar.

Hinihinala din ng Customs na iniba ng Cren Trading ang pangalan ng opisina upang lituhin ang mga awtoridad at batas sa iligal nitong gawain.

Ang iba pang container vans ay naka-consign sa Heros Number 1 Surplus Shop, DaeHan Product Line Trading , Kens Unlimited Trading International Corp. Gawisao Trading, Cassa Trading at Uy Tit and Co. Inc.

Nag-iimbestga na rin ang Customs kung sino ang kasbwat ng sindikato sa loob ng ahensya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply