18 patay sa jailbreak sa Iraq

LABING-WALONG katao at isang senior Iraqui counter-terrorism official ang nasawi nang manlaban ang mga tumatakas na preso sa mga security forces sa isang kulungan sa Baghdad, Iraq.

Kabilang sa mga preso na nasawi ay ang lider ng Al-Queda na si Huthaifa al-Batawi. Si Batawi ay kilala bilang “Emir ng Baghdad”. Kasama rin sa mga napatay ay ang sampung miyembro ng Al-Queda.

Nag-umpisa ang jail break matapos agawin ng isang preso ang armas ng isang gwardiya at pagbabarilin ang iba pang mga gwardiya. Kinuha umano nito ang mga baril ng mga napatay na gwardiya at ipinamigay sa ibang mga preso.

Ipinag-utos naman ni Iraqi Prime Minister Nuri al-Maliki ang masusing imbestigasyon sa insidente.

“We must not allow such setbacks to happen in the security field,” pahayag ni Maliki.

Ikinalungkot naman ang pangyayari ng ilang mga opisyal matapos malaman na napatay din si Brigadier Muaid Mahdi, isang mataas na opisyal ng counter-terrorism unit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply