180 depektibong timbangan sinamsam

AABOT sa 180 depektibo at hindi rehistradong timbangan ang sinamsam ng mga elemento ng Quezon City hall sa Commonwealth Market at Litex wet and dry market sa Quezon City.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, chairman ng Local Price Coordinating Council sa lungsod, patuloy aniya nilang susuyurin ang  iba’t ibang palengke sa QC upang mapigilan ang pandaraya ng ilang negosyante sa mga mamimili.

Kaugnay nito, sinabi ni City Treasurer  Edgar Villanueva na ang mga madadayang timbangan ay isang uri ng manipulasyon na dapat putulin ng lokal na pamahalaan.

“This is not only for tax collection purposes.  What we are doing right now is to ensure the protection of QC residents against erring businessmen,” pahayag ni Villanueva

Sa ngayon aniya, ang kanyang tanggapan ay nag-introduced ng bagong “sealing equipment at gadgets” para  magamit sa mga timbangan at iba pang measuring instruments para hindi madaya ng mga tiwaling negosyante.

May multang mula P200  hanggang P5,000 o pagkabilanggo ang parusa sa mga mahuhuling madadaya  ang timbangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply