2 bagong PCSO Lotto millionaires

MAY dalawa nanamang bagong milyonaryo ang nadagdag sa patuloy na dumaraming lucky lotto winners ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng pagkakahagip ng tamang kumbinasyon ng Mega Lotto 6/45 noong Mayo 13, Biyernes, at ng Lotto 6/42 noong Mayo 14, Sabado.

Ang tumamang kumbinsayon sa Mega Lotto 6/45 na may katumbas na premyong P43,017,157.80 ay 19-26-38-16-29-14.

Ang mapalad na mananaya, ayon sa tanggapan ng PCSO, ay nagmula sa Ormoc City, lalawigan ng Leyte.

Ang nakasapul naman sa regular lotto 6/42 sa bolahang ginanap noong Sabado ay nagkapalad sa premyong P28,773,365.40.

Samantala, ang paboritong Grand Lotto 6/55 ay hindi pa nasasapul hanggang noong huling bolahan noong araw ng Linggo na umabot sa P221,558,353.20 ang premyo na inaasahang muling dadagsain ng mga pilahan sa mga betting outlets dahil sa pagtaya na aangat sa P233 milyon ang grand bonanza jackpot.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply