2 ‘bigats’ nagsipanalo, JRU nakabangon

ANG dalawang mabibigat na team— Far Eastern University Tamaraws at San Sebastian College- Recoletos ay mga nagsipagwagi laban sa College of Saint Benilde Blazers,  Arellano University Chiefs, habang pinabagsak ng Jose Rizal ang Emilio Aguinaldo-U Generals sa malaking puntos sa pagpapatuloy ng FilOil Flying V Hanes Pre-season Premier Cup sa San Juan City.

Sa pangunguna nina Terrence Romeo na tumotal ng 14 at 12 ni Pipo Noundou bukod sa 14 boards ay inilibing ng tropa ni Coach Bert Flores ang CSB Blazers, 81-49 sa pagpapanatili ng malinis na 7 straight na panalo.

Sinentensyahan naman ng SSC-R Golden Stags ni Coach Arturo Valensona ang Arellano U Chiefs sa iskor na 82-68 tungo sa pag-agapay sa Ateneo Blue Eagles at Adamson University Falcons sa segundo pwesto. Si Ian Sangalang ay bumuslo ng 17 at kumaldag ng 7 boards na dinagdagan nina Jon Semira ng 13 at 8 rebounds habang si Calvin Abueva ay nag-ambag ng 11 at katulad na bilang ng rebounds.

Binomba naman ng Jose Rizal Heavy Bombers ang Emilio Aguinaldo Generals, 74-68 tungo sa pag-ahon sa 3 magkakasunod na kabiguan. Ang kahanga-hangang 20 puntos, kabilang ang 5 triples na ginawa ni Nate Matute ang nagpanalo sa Bulldogs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply