2 BOC execs binalikan ng taong kinasuhan ng P5-B smuggle case

SINAMPAHAN ngayong Biyernes, Mayo 13 ng  isang customs broker na nakabase sa Davao ngayon, ng kasong kriminal at administratibo sina Customs Commissioner Angelito Alvarez at Deputy Commissioner Gregorio Chavez.

Sa anim-na-pahinang reklamo ni Jorlan Cabanes sa Office of the Ombudsman Mindanao, sinabi nito na malisyoso, walang basehan at pagpapakita ng pagiging iresponsableng opisyal ang ginawang akusasyon sa kanya at sa Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Si Cabanes ay lisensyadong customs broker ng Seadove Maritime Services Inc., kung saan kabilang sa kanilang kliyente ay ang independent oil company na Phoenix.

Ang nasabing kumpanya ng langis ay una nang kinasuhan ng BOC sa Depatment of Justice (DOJ) ng smuggling dahil sa hindi umano pagbabayad ng excise at value-added taxes.

Inakusahan din itong hindi nagsusumite ng kanilang import documents gaya ng  invoices at  bills of lading.

Sa kabuuan, umano, ay aabot sa P5.14B ang in-import na oil products sa Thailand ng Phoenix na sa pagitan ng Hunyo 2010 at Abril 2011.

Subalit ipinaliwanag ni Cabanes, na kasama sa kinasuhan ng BOC, na pawang dokumentado ang kanilang naging importasyon sa nasabing petsa.

Inireklamo ng customs broker ang paglabag ng BOC sa sariling patakaran nang magsampa ito ng kaso laban sa kanya nang hindi man lamang bineberipika sa importer.

“The filing of criminal charges against me and Phoenix was in blatant violation of the BOC’s own rules and regulations, particularly Customs Memorandum Order No. 16-10, which gives an importer suspected to have misdeclared the value of his imports the chance to explain,” giit nito.

Aniya, hindi siya nakatanggap ng anumang notice mula sa BOC hanggang sa makita na lamang sa pahayagan na mayroon na silang kaso.

Inamin ni Cabanes na dahil sa pagiging iresponsable ng mga opisyal ng BOC ay nalantad ito sa kahihiyan.

Gayundin ay nasira ang kanyang reputasyon dahil sa maling paratang na naiwasan sana kung naging patas lamang ang BOC at pinagpaliwanag ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply