2 bus nagsalpukan sa ‘killer highway’

DALAWANG pampasaherong bus ang nagbanggaan sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa lungsod ng Quezon kaninang madaling araw, Mayo 20.

Binangga sa likurang bahagi ang Nova Bus ng isang Claro Trans Bus na ikinaipit ng driver ng huli na si Joselito Montales sa may North Fairview, Quezon City bandang 4:30 ng madaling-araw.

Ayon sa mga saksi, tila nagkakarera ang mga ito sa sobrang bilis ng takbo.

Biglang huminto ang Nova bus sa gitna ng kalye kung kaya’t hindi na kinaya ng preno ng nasa likod na bus.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Montales matapos itong maialis sa pagkakaipit ng mga MMDA rescue team at sa tulong ng mga pasahero nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply