2 Customs officials sinampahan ng kaso

DALAWANG opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang suspindido ng anim na buwan matapos mapatunayang sangkot sa katiwalian.

Sinabi ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na anim na buwang suspensiyon ang iginawad laban kina Visitacion Difuntorum, Customs operation officer 5 na nakabase sa Port Area, Manila, at Ruth Mendoza Joven, Customs operation office 3 na nakabase sa Port of San Fernando, La Union.

Si Difuntorum ay sinampahan ng kasong dishonesty at grave misconduct sa Ombudsman habang simpleng dishonesty naman ang isinampang reklamo laban kay Joven, customs operations officer 3 na nakabase sa Port of San Fernando, La Union.

Nag-ugat ang parusa kay Difuntorum dahil sa pagkakaroon ng mamahaling sasakyan, resort, mga lupain, hotel at ari-arian na hindi akma sa kanyang suweldo.

Ang hindi naman pagdedeklara ng tunay na halaga ng mga sasakyan at lupain sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ang nagbunsod para sampahan ng kaso si Joven. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply