2 holdaper patay sa Pasay

DALAWANG holdaper ang napatay sa isa nanamang shoot-out sa lungsod ng Pasay makaraang tangkain nitong holdapin ang isang Mayami bus patungong Fairview kaninang ala-una ng madaling araw, Mayo 20.

Nabatid na naaresto naman ang isang kasamahan ng mga holdaper.

Ayon sa pulisya, nakilala ang mga napatay na sina Ronaldo Salazar at isang alyas “Robert”, habang nakilala ang nahuli na si Hernan Martinez, isang fish vendor.

Nabatid na mga miyembro ng sputnik gang ang mga salarin. Tinangka munang looban ang Harrizon Center subalit kaagad tumunog ang alarma nito kung kayat kaagad itong nagpulasan at kinuha ang kalibre 38 baril ng guwardiya rito.

Pinara umano ng tatlo ang papadaan na Mayami bus at tinangkang holdapin ito. Hinabol ng mga nakasibilyan na mga pulis ang mga ito.

Unang bumaba sa bus si Martinez at nahuli ito. Patuloy umanong hinabol ng mga pulis ang bus at nakasampa ang isang pulis doon. Nagkaputukan na sa loob ng bus at tinamaan si alyas Robert. Nagawa pa umano makatalon si Salazar sa bus at tumakbo at saka nakipagbarilan.

Isinugod pa si Salazar sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply