2 holdaper timbog sa Bacolod

NASA kustodiya na ngayon ng awtoridad ang dalawang hinihinalang holdaper na nangholdap sa dalawang lalaki sa loob ng isang pampasaherong dyip nitong nakaraang Sabado sa Barangay Mandalagan, Bacolod City.

Kinilala ni Bacolod City Police Office (BCPO) Director Ricardo Dela Paz ang mga suspek na sina JR Jardeliza, 20; at Lyson Tolentino, 19, kapwa residente ng Mambuloc, Barangay 10, Bacolod City.

Ang mga suspek ay nasakote ng mga operatiba ng Station 3 sa pamumuno ni Police Inspector Jose Mullete dakong alas-kwatro ng Lunes ng madaling araw, May 9, habang hinihinalang nag-aabang ng kanilang bibiktimahin sa Robinsons Place, Bacolod

Ang dalawang suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation makaraang holdapin ang mga biktimang sina Jaypee Geronca, 28, at Michael Divinagracia, 22, kapwa residente ng  Barangay Zone 14, Talisay City.

Ang dalawang biktima ay nagreklamo sa himpilan ng pulisya matapos umanong holdapin ng mga suspek sa loob ng pampasaherong dyip dakong 3:30 ng madaling araw nitong nakaraang Sabado.

Ayon kay Divinagracia pinitsirahan umano siya ni  Jardeliza habang tintututukan siya ng patalim ni Tolentino at inagaw sa kanyang ang dalang cell phone

Tinangka pa umano siyang sasksakin ni Tolentino bago ang mga ito ay tumakas mula sa sinasakyang dyip.

Ayon kay Mulleta ang mga suspek din ang responsable sa panghoholdap sa isang taxi driver noong nakaraang buwan sa Bacolod.

Nakuha ng mga awtoridad sa pag-iingat ni Toletino ang isang patalim at ang cell phone na ninakaw sa biktima.

Nanawagan din si Mulleta sa iba pang biktima na magtungo sa himpilan ng pulisya para kilalanin ang mga suspek para sampahan ng panibagong kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply