2 holdaper tumimbuwang sa Manila police

TODAS ang dalawang holdaper habang nakatakas ang isa pa nilang kasama nang manlaban ang mga ito sa tauhan ng Manila Police District-Station 6 kaninang madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Inilarawan ang isa sa napatay na nasa edad 30 hanggang 35, naka-green t-shirt at maong pants, habang ang isa ay may malaking tattoo sa paa, nakasuot ng black sando at nasa edad na 35.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ng Anti-Crime operations ang mga elemento ng POlice Station 6 sa pangunguna ni SPO2 Rowell Robles dakong 3:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Lamayan at Sta. Clara St, sa Sta. Ana Maynila.

Bunsod umano ito ng madalas na holadpang nagananap sa lugar kaya nagpasya ang PS6 na magpain ng kabaro na mag-under cover sa lugar.

Nagpasya ang pulisya na magpain ng kabaro sa Lambingan bridge kung saan dalawang pulis undercover ang hinoldap ng tatlong kalalakihan na sakay ng itim na motorsiklo at walang plaka.

Nang tutukan ng mga suspek ang nasabing undercover ay mabilis namang bumunot ng baril ang huli dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok na ikinamatay ng dalawa.

Mabilis namang tumakas ang isa pang suspek sakay ng gamit na motorsiklo.

Narekober ang .38 kalibre ng baril na ginamit ng mga suspek sa panghoholdap at M26 fragmentation grenade na nasa kustodiya na ng MPD-EOD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply