2 holdaper utas sa Maynila

DALAWANG holdaper ang napatay sa Sta. Ana, Maynila makaraan makipagbarilan sa mga rumurondang mga pulis.

Ayon sa ulat, hinoldap ng tatlong lalaki sakay ng isang motorsiklo ang naglalakad na nakasibilyan na pulis na si PO2 Lando Manipulo na may bitbit na bag.

Bumunot naman ang alertong pulis na kinataranta ng mga holdaper kung kaya’t nagpulasan ang mga ito. Hinabol naman ito ni PO2 Manipulo at nakahingi ng tulong sa mga rumurondang mga pulis ng Manila Police District Station 6 sa Sta. Ana Manila.

Nakatakas naman ang isang kasamahan nito samantalang timbuwang ang dalawa. Nakuha sa mga napatay na holdaper ang dalawang baril at isang M67 fragmentation grenade.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing holdaper.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply