2 kalansay, mga armas nahukay sa Maguindanao

DALAWANG kalansay ang natagpuan sa excavation operation sa dalawang lugar sa Maguindanao, inihayag ng Department of Justice ngayon, Martes.

Tatlumpong metro mula sa nasabing hukay nakuha naman ang sampung M-16 armalite rifle, isang M-14 at dalawang improvised  explosive device o bomba.

Sa Barangay Sa-tan sa munisipalidad ng Shariff Aguak ay natagpuan ang isang chop-chop na kalansay na nakasilid sa sako, habang ang isa naman ay nasa labas nito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, isang hindi pinangalanang civilian volunteer officer ng Ampatuan ang nagbigay ng impormasyon sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga ibinaon na bangkay.

Sinabi ni De Lima na ang mga bangkay ay pinaniniwalaang mga kamag-anak ni dating Gov. Zacarias Candao na si Murad Badjunaid at isang Harod Abdulla, na kapatid ng dating spokesman ni Candao.

Ang dalawa ay nawawala mula pa noong 2003. Ang mga nahukay na kalansay ay isasailalim pa sa forensic validation.

Inihayag din ng kalihim na may impormasyong nakuha na ang dalawa ay iniutos na ipapatay ng mga Ampatuan.

Samantala, pinaiimbestigahan ni De lima sa PNP-CIDG ang pagpapahinto ng paghuhukay sa compound ni Sajid Ampatuan noong April 1 sa kabila ng pinanghahawakang search warrant ng gobyerno.

Ang nasabing compound ay pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga armas ng mga Ampatuan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply