2 kelot nahulihan ng de sabog

ARESTADO ang dalawang kalalakihan makaraang mahulihan ang isa sa kasamahan nito ng de sabog na baril sa Quezon City Sabado ng madaling araw, Mayo 21.

Kinilala ng pulisya ang dalawang akusado na sina Wensy Fajardo, 21, at Antonio Flores, 35.

Sa ulat ni PO3 Alden Lasam ng Batasan Police Station 6, dinakip ang dalawang suspek sa harapan ng Kristong Hari, kanto ng Kasunduan st., Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Nauna rito, sumakay ang dalawang suspek sa isang taxi na nakasukbit sa tagiliran ng isa ang baril de sabog at pagsapit sa harapan ng Sandiganbayan ay bumaba upang sumakay muli ng pampasaherong jeeney na biyaheng Litex.

Ayon sa driver ng taxi nasulyapan niya na bitbit ng isa sa mga akusado ang baril de sabog kaya dali-dali itong nagsuplong sa pulisya upang tugisin ang mga suspek.

Agad naman rumesponde sina PO2 Richard Baquiran at PO2 Noel Cortel ng nasabing himpilan na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Nakuha ng pulisya sa mga suspek ang isang unit ng shot gun Armscor na may apat na bala.

Wala namang maipakitang kaukulang dokumento ang dalawang akusado sa kanilang bitbit na armas kung kayat pansamatalang ipiniit ang mga ito sa nasabing himpilan.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong illegal possession of fire arms at nakatakdang i-inquest sa piskalya anumang oras ngayon. James de Jesus

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply