2 kelot utas sa ratrat ng MPD operatives

PATAY ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District, Linggo ng madaling-araw sa Pandacan, Maynila, Mayo 15.

Inilarawan ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police Distrcit-Homicide Section ang mga napatay na nasa edad 25 hanggang 28, pawang may tattoo sa buong katawan.

Ayon kay Macaraeg, dakong 12:15 ng madaling-araw ng Linggo, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Menodoza at Quirino Avenue, Pandacan, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pitong tauhan ng MPD-Station 10 sa pangunguna ni PCI Efren Medina ang nakasagupa ng mga napatay na suspek sa lugar.

Nauna rito, nakatanggap umano ng impormasyon si Medina hinggil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek sa lugar kaya agad silang nagresponde upang manmanan ang kilos ng mga ito.

Pagsapit sa lugar ng mga pulis at makita sila ng mga suspek ay agad na bumunot ng .22 kalibre ang isa sa mga ito at itinutok sa awtoridad na napilitang gumanti ng putok.

Ang isa sa suspek ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente habang naisugod pa sa pagamutan ang isa pang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng mga tauhan ng MPD-PS 10 na sangkot sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply