2 lugar sa QC nagkasunog

DALAWANG sunog ang naganap sa mga residential areas sa Lungsod ng Quezon, Lunes ng gabi at Madaling araw ng Martes.

Ayon sa initial report ng dzBB, wala namang napaulat na nasugatan sa naturang sunog na naganap bandang 10 p.m. at hatinggabi.

Natupok ng unang insidente ng sunog ang tatlong kabahayan sa Krus na Ligas sa Quezon City bandang 10 p.m., na umabot sa ikalawang alarma bago naapula ng mga bumbero.

Naiwang kandila ang tinitingnang sanhi ng naturang sunog.

Naitala naman ang pangalawang sunog sa tatlong palapag ng residential building sa Quirino village naturang lungsod hatinggabi ng Lunes.

Umabot sa ikalawang alarma ang naturang sunog bago naapula ng mga bumbero.

Hinihinalang isang lasing na lalaki ang nagtangka umanong masunog ang buong building.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply