2 miyembro ng Commando Gang utas

PATAY ang dalawang miyembro ng Commando Gang  matapos manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Station 2 nang mangholdap ng isang ginang Sabado ng gabi sa Tondo, Maynila, iniulat ngayong Linggo.

Inilarawan ang mga napatay nasa edad na 30-35, 5’4 ang taas, kayumanggi, balingkinitan ang katawan, nakasuot ng stripes short pants, may tattoo na “Commmando” sa dibdib; habang ang isa naman ay nasa edad din na 30-35, katamtaman pangangatawan, nakasuot ng itim na short pants.

Sa ulat ng pulisya,dakong 5:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng J. Abad Santos Ave.,sa may harapan ng M.Hizon Elementary School.

Nauna rito,isang di nakilalang ginang umano ang napansin ng pulisya na sumisigaw ng “tulungan nyo ako, holdaper,holdaper…”

Dahil sa komosyon,agad na nilapitan ito ng mga tauhan ng PS2. Agad na sumakay ng pamapsaherong jeepeny ang dalawang suspek na may biyaheng Monumento.

Mabilis namang sinundan ito ng mga pulis sakay ng kanilang marked vehicle at pagsapit sa Tondo ay tumalon ang mga suspek sa jeep saka nagpaputok ng dalawang beses sa mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang pulisya dahilan upang tamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga holdaper.

Isinugod pa ang dalawa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply