2 namatay na OFW sa Syria imbestigahan

NANAWAGAN ang grupo ng migrant workers sa pamahalaan para magsagawa ng malalim na imbestigasyon kaugnay ulat na pagkamatay ng dalawang overseas Filipino worker (OFW) sa Syria.

Ang panawagan ay inihayag ni John Monterona ng Migrante–Middle East, kaugnay sa ibinigay na impormasyon ni Baynida Saylila, isang OFW na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Syria. Ayon sa kanya, dalawang Pinoy ang namatay nang maipit sa labanan sa pagitan ng Syrian military at anti-government protester noong April 29.

Sa salaysay ni Saylila, bumibili siya sa isang tindahan na nasa unang palapag ng kanyang tinutuluyang bahay nang masaksihan ang pagkamatay ng dalawang Pinoy na tinamaan ng ligaw na bala.

Batay pa sa impormasyon, ang mga OFW na timaan ng ligaw na bala ay namumukhaan ni Saylila pero hindi umano niya alam ang buong pangalan ng mga ito..

Dapat na itong imbestigahan ng Philippine Embassy sa Damascus.

“Ang embassy ang nasa tamang posisyon para gumawa ng paraan upang alamin ang impormasyon ni Saylila,” ani Moterona

Matatandaan na nitong nakalipas na May 4, ang grupo ay nagpadala ng electronic mail sa Philippine embassy para pormal na humingi ng tulong sa pagpapalikas ng 12 OFW. Karamihan sa mga ito ay nakabase sa Latakia na nakararanas ng matinding kaguluhan dahil sa labanan sa panig ng Syrian government forces at protesters.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply