2 Nigerian arestado sa isang kilong cocaine

DALAWANG miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) ang nadakip ng mga tauhan ng Intelligence and Investigation Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 3, iniulat ng awtoridad.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director  General Usec. Jose Gutierrez, kinilala ang mga nahuling suspek na sina Sam Osel, alyas Obina Oliver Okeke, 33, pansamantalang nanunuluyan sa Evangelista St., Makati City at Ezema Obi King, 31, ng Montevista Dolores, Taytay, Rizal, kapwa Nigerian national.

Nakumpiska sa dalawa ang apat pirasong malalaking plastic sachet na balot ng silver packaging na naglalaman ng isang kilong cocaine, tinatayang nagkakahalaga ng P5 milyon, P3,000 marked money at budol money na P300,000 na ginamit sa buy bust.

Sinabi ni PDEA IIS Director Jigger Montellana at Region 3 PDEA Director Roy Sanchez, unang ikinasa ang buy bust operation sa isang lugar sa Bataan ngunit nagbago umano ang isip ng mga suspek at naisapinal ang transaksiyon sa Ortigas extension sa Cainta Junction, Rizal bandang 10:00 ng gabi kahapon, kanilang ikinadakip.

Nabatid pa ng PDEA na nakikipagkaibigan ang mga suspek sa mga Filipina gamit ang Internet upang gawing drug couriers kagaya ng naging kapalaran ng nabitay na si Sally Ordinario at dalawang iba pang Pinoy sa China kamakailan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply