2 opisyal ng Customs sinuspinde ng 6 buwan

SINUSPINDE ng anim na buwan ng office of the Ombudsman ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) nang mapatunayang may probable cause para parusahan hinggil sa pagsisinungaling sa paghahayag ng  kanilang assets na nagkakahalaga ng milyong piso.

Ang mga nasuspinde ay sina Customs collector I Rudy M. Amistad at Customs Operations Officer III Vivian D. Sacluti batay naman sa naihaing  kaso laban sa kanila ni Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ng Department of Finance.

Sa labing limang pahinang desisyon, napatunayan ng Ombudsman na si Sacluti ay hindi isinama ang kanyang 2000 hanggang 2005 statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) para sa negosyo nitong Bodgie Motor Works.

Samantala sa sampung pahinang desisyon, napatunayan naman na si Amistad ay hindi nagdeklara sa SALN ng 13 sa 15 nitong bahagi ng lupa.

Minali rin umano ng huli ang halaga ng kanyang ari-arian sa Lapu-Lapu City,  na ayon sa Ombudsman ay nagkakahalaga ng  P3 million  pero idineklara lamang ng akusado ng  P500,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply