2 parak patay sa ambush sa Batangas

PATAY ang dalawang kagawad ng Philippine National Police nang salakayin ng isang pangkat ng New  Peoples Army  na tumakas sakay ng PNP patrol vehicle,  sa ulat ng kapulisan sa Batangas.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. bandang 10:30  kahapon ng gabi nang naganap ang sagupaan sa Barangay Ermita junction, Balayan Batangas.

Kinilala sa ulat ang napaslang na mga pulis na sina PO1 Oliver Caraig Ilagan at PO1 Christopher  Tria de Leon, kapwa nakatalaga sa PNP 1ST Manuver Platoon, Batangas  Provincial Police Security Command.

Nabatid na nagsasagawa ng police visibility operation ang mga awtoridad nang salakayin ng pitong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng communist New Peoples Army.

Matapos ang pamamaril  ay tinangay ng mga rebelde ang service firearms ng mga pulis bago tumakas sakay ng Mitsubishi L300 FB PNP mobile patrol, habang sakay ang iba ng isang owner type jeep at motorsiklo.

Isang hot pursuit operation na ang inilunsad ng militar at pulisya laban sa mga tumakas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply