2 patay, 4 sugatan sa riding-in-tandem

PATAY ang dalawang lalaki kabilang ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) habang apat pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakatayo ang mga biktima sa kahabaan ng Road 10 Tondo, Maynila Miyerkules ng madaling araw, Mayo 18.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jerry Papung, 30, walang trabaho, residente ng Building 3 Unit 324 Permanent Housing, Tondo; Ruel Manchete, 25, walang trabaho, miyembro ng BCJ at residente ng Unit 506 ng nasabi ding lugar.

Hindi pa pinangalanan ang mga sugatang biktima na pawang nagtamo ng daplis sa likod at hita na nadamay lang sa insidente.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal, dakong 2:45 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Road 10, sa tapat ng Shell Gas Station.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo umano si Papung sa may Road 10 nang dumating ang dalawang di nakilalang salarin na lulan ng motorsiklong walang plaka.

Pagtapat ng mga suspek kay Papung ay walang sabi-sabing pinaputukan ito ng magkasunod kaya namatay noon din sa lugar dahil sa tinamong tama ng bala sa harapang bahagi ng kanyang ulo.

Nagtamo rin si Manchete ng maraming tama ng bala sa katawan na naisugod pa sa Tondo General Hospital ngunit idineklara ng dead on arrival.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya upang madakip ang mga tumakas na salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply