2 patay, 4 sugatan sa riding in tandem

PATAY ang dalawang kelot, habang apat ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo habang nag-iinuman sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Mayo 11, 2011.

Namatay habang ginagamot sa FEU hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Leonilo Antonio, 33 ng Block 15, Bagong Silang at Chat Julius, 21 ng North Ridge, Palmera nasabing lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan sina Joseph Del Miquez, 27; Jerbie Molina, 23; Arjay Octobre, 20 at Alvin Cablan, 22 kapwa ng Sacred Heart Village, Camarin.

Sa ulat, dakong 10 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Molina nang sumulpot ang mga suspek at paulanan ng bala ang mga nag-iinuman.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang mga biktima sa FEU.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply