2 patay, 22 sugatan sa Road accident sa Zambo

DEAD ON THE SPOT ang dalawang lalaki habang 22 iba pa ang malubhang nasuhgatan matapos na tumaob ang soinasakayan nilang pamapasaherong bus Linggo ng gabi sa sa Roseller T Lim Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng pulisya ngayong Lunes, Mayo 2.

Ayon kay P/SrSupt Ruben Carriaga, hepe ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office naganap ang aksidente bandang ika-7 ng gabi sa kahabaan ng national highway, sa may Baragay Silingan, R.T. Lim, Zambo Sibugay.

Sa ulat, kinilala ang daalwang nasawi na sina Alex Kamsa Y Acmad ng Parang. Maguindanao at  Romeo G Mariano ng Brgy Impasugong, Bukidnon.

Itinakbo naman ng mga rumespodeng elemento ng RT Lim PNP ang 22 sugatan sa Provincial Hospital, Simon Hospital at De Villa Hospital na pawang nasa Ipil Zamboanga Sibugay.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad sangkot sa sakuna ang isang Rural Transit ng Mindanao Inc na may Licence Plate No. LWD-927 at  body no. 9350 na minamaneho ni Vergil Reyes y Beltran, residente ng Dao, Pagadian City.

Nabatid na tinatahak ng nasabing passenger bus ang nasabing lansangan mula sa Ipil patungong Zamboanga City ng maganap ang aksidente.

Mabilis umano ang takbo ng bus at pagsapit nito sa isang kurbadang pababa ay nakasalubong nito ang isang motorsiklo na kanyang tinangkang iwasan dahilan upang rumampa ito at tumama sa railings sa kabilang lane,  dahilan upang balamligtad ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply