2 patay sa nasunog na domitorya sa New Bilibid Prison

DALAWANG preso ang namatay habang apat ang nawala matapos masunog ang kanilang domitoryo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Muntinlupa Fire Marshal Chief Inspector Roderick Aguto, hindi pa nakikilala ang dalawang biktima dahil halos natusta ang katawan ng mga ito.

Sumiklab ang sunog dakong 4:20 Biyernes ng hapon, Mayo 13, mula sa Building 5 ng Sampaguita Camp ng nasabing bilangguan.

Ayon naman kay Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno, may 700 katao ang nasa loob ng Building 5 na may kapasidad lamang na 300.

Patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng sunog na naapula bandang 5:30 ng hapon sa tulong ng mga pamatay sunog mula sa Muntinlupa City, Las Piñas at Paranaque. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply