2 Pinay sa Estados Unidos patay sa buhawi

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng dalawang Pinay matapos tamaan ng malakas na buhawi ang kanilang tinitirhan sa Missouri sa Estados Unidos.

Nakilala ang dalawang biktima na sina Grace Aquino 45, at Esterlita Moore na isa na ring senior citizen, kapwa tinangay ng malakas na buhawi o tornado.

Nakilala naman ni Divine Aquino ang kanyang inang si Grace nang makita ng mga rescuer sa gumuhong simbahan habang yakap-yakap ng kanyang kapatid na mapalad namang nabuhay kahit siya mismo ang nagbigay proteksiyon sa namatay na kapatid.

Napag-alaman na hindi naman nakalabas  ng kanyang tirahan si Moore sanhi ng napakabilis na pananalanta ng tornado.

Bukod sa dalawang Pinay, 120 katao pa ang iniulat na nasawi sa nangyaring kalamidad habang patuloy pa ring pinaghahanap ng mga rescuer ang iba pang posibleng naging biktima.

Hanggang kanina ay nakataas pa rin ang isang tornado alert sa bansa matapos mamataan ang paparating na buhawi.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply