2 Pinoy patay sa tornado sa Amerika

DALAWANG Pinoy ang nasawi sa tornado na sumalanta sa Missouri sa Estados Unidos.

Kinumpirma ng mismong anak ng isang biktima ang pagkakadagan ng mga debris ng isang simbahan sa kanyang ina. Kinilala ang biktimang si Grace Aquino, 45.

Sinabi ni Divine Aquino na nakita ng mga rescuer ang kanyang ina na wala nang buhay yakap ang isa niyang kapatid. Mapalad namang nabuhay ang kapatid ni Divine dahil sa pagprotekta dito ng kanyang nanay.

Tinukoy din ni Divine ang pagkakakilanlan ng pangalawang Filipinong biktima na si Esterlita Moore, isa na senior citizen at hinihinalang hindi na nalabas sa kanilang bahay.

Samantala, umabot na ng 120 katao ang namatay sa naturang kalamidad.

Nakataas pa rin ang isang tornado alert dahil meron na naman nakikitang paparating na buhawi sa naturang lugar.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply