2 sa 3 karnaper todas sa shootout

NAPATAY sa engkwentro ang dalawa sa tatlong karnaper habang natangay ang ipinaing motorsiklo ng operatiba ng Manila Police District at ng mga suspek sa Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya.

Nang isinasagawa ang hot pursuit, napatay sa unang engkwentro sa panulukan ng Piy Margal at A.H. Lacson Avenue ang suspek na nasa edad 20 hanggang 25; nakasuot ng t-shirt ng navy blue, maong na short pants; naka-tsinelas; may tattoo sa dibdib; may katamtamang pangangatawan; at armado ng kalibre 38 paltik na baril.

Sumunod namang napatay sa may Claro M. Recto Avenue sa harap ng University of the East ang kasamahan nitong nasa edad 25 hanggang 30; payat; nakasuot ng kulay pulang t-shirt, maong na short pants at kulay puting rubber shoes.

Pinangunahan ni P/Supt. Jemar Modequillo ang nasabing pagmamanman dakong 8:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Sa imbestigasyon, lulan ng isang Honda motorcycle ( ZN-3361) ang tatlong suspek na bumabagtas sa A.H. Lacson Avenue.

Ang mga awtoridad ay nagpain ng isang motorsiklo sa lugar. Ilang sandali pa lamang namataan na ni Supt. Modequillo ang dalawang lalaki na bumaba sa sasakyan, saka nilapitan ang ipinaing motorsiklo.

Agad na umaksyon ang mga pulis at nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga ito at ng mga suspek.

Napatay ang isa sa nasabing lugar subalit nagawang maitakbo ng dalawang suspek ang ipinaing motorsiklo.

Hinabol ng mga awtoridad ang dalawang suspek at pagsapit sa  Claro M. Recto ay napatay ang naka-angkas habang tuluyang nakatakas ang isa dala ang ipinaing motorsilklo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ni Det. Alonso Layugan ng MPD-Homicide Section.

Samantala, isinailalim sa awtopsiya ang dalawang lalaki upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan habang masusing pinaghahanap pa ang nakatakas na kasamahan ng dalawa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply