2 sa 8 sekyu timbog sa illegal trespassing

PATONG-PATONG na kaso ang kahaharapin ng walong security guard matapos na illegal na pumasok sa isang pribadong lupain at saktan pa ang caretaker nito kahapon sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of police, P/Supt. Rodino Elfa, ang dalawa sa mga suspek na sina Tomas Satumbaga, 43, at Delfin Balignasay, 53, kapwa residente ng  Purok Tagumpay, Barangay Bagong Nayon ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang anim pang kasamahan ng mga suspek na nakasibat habang paparating na ang rumispondeng kapulisan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-una ng hapon sa Sitio PLDT, Barangay Inarawan, Antipolo City.

Ayon sa pulisya, dumating sa kanilang tanggapan si Florence Paredes, dalaga, residente naman ng 4 Sampaguita St., Lumang Bayan, Barangay Mambugan para ireklamo ang mga suspek na illegal na pumasok sa kanilang lupa sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinira ng mga suspek ang kandado ng front gate at dinis-armahan ang guwardiya na si Bobby Rasola at pinaalis, habang ang caretaker na si Raul Garrido ay kinaladkad sa kubo, pinadapa at saka naghalughog.

Ayon kay PO1 Marcelno Alido, may hawak ng kaso, ang mga suspek ay nasa loob ng property nang kanilang abutan at nang hinihingan ng dokumento sa kanilang pagpasok ay wala silang maipakita.

Hindi rin maituro nang mga ito kung sino ang nag-utos sa kanilang para pumasok sa pribadong lupain.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng trespassing to dwelling, robbery, threats, malicious mischief.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply