2 senador nag-lunch date sa Senate lounge

TILA na-miss o nanabik sa isa’t isa ang dalawang senador dahil matapos mag-adjourn ang unang araw ng sesyon ng Senado ay nag lunch date ang dalawang mambabatas sa mismong Senate lounge.

Batay sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate sa Senado, para hindi maging obvious na miss ng dalawa ang isa’t isa at  nagkakaroon ng lunch date ang dalawang senador ay pinaupo nito sa table ang chief of staff ng lalaking senador gayundin ang isang dating gobernadora   sa bahagi ng Visayas.

Ang ipinagtataka ng ating matang kuwago, kadalasang sa mismong tanggapan ng senadora ito kumakain ng lunch dahil lagi itong may dala-dalang pagkain na luto ng kanyang paboritong nanay.

Subalit ang senador ay madalas na makita sa Senate lounge dahil dito na nito idinaraos ang kanyang maliliit na meeting  at dito na rin niya iniisa-isang kausapin ang kanyang mga staff.

Natatandaan pa ng matang kuwago ng Remate na madalas na mag-dinner dati ang naturang dalawang senador sa Hotel Sofitel na dating kilala bilang Westin Philippine Plaza Hotel.

Nasaksihan din ng matang kuwago ng Remate na wala nang maseselan at masyadong importante o confidential na pinag-usapan ang dalawang senador subalit ang ipinagtataka niya ay kung bakit maaari namang kumain nang sabay ang mga ito sa executive lounge na esklusibo lang para sa mga senador ay napili pa nila ang Senate lounge.

Halos blooming at ngiting ngiti pa nga ang senadora at panay ang higop ng sabaw habang kausap niya ang kapwa mambabatas na sarap-na-sarap naman sa pagkain ng  baby back ribs.

Pintahan na natin ang mga tinutukoy ko. Ang senadora ay dalawang beses nang natalo sa posisyong kanyang tinakbuhan at ang katwiran nito’y nadadamay at nawawala ang kanyang boto.

Habang ang senador na tinutukoy natin ay isinusulong ang edukasyon, siyensya at teknolohiya.

Ika nga, kung gusto mong gumara ang iyong buhay, muli mo siyang ihalal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply