2 slots pag-aagawan sa PBA D-League quarters

MULING susubukan ng Cobra Energy Drink na masungkit ang isa sa dalawang quarterfinals slot laban sa Pharex Bidang Generics sa pagpapatuloy sa playoffs sa PBA D-League Foundation Cup mamayang hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang labanan sa pagitan ng Ironmen at Bidang Generics ay isang knockout game katulad ng laro na pasisimulan ng Pacific Pipes laban sa FCA Cultivators.

Nakauna na sa quarterfinals ang NLEX Road Warriors at ang Cebuana Lhuillier Gems na sinundan ng PC Gilmore at ng Max! Bond Superglue Sumos.

Tinitiyak ng mga coaches ng dalawang magbabanggaan para sa quarterfinals na ibibigay nila ang lahat para maipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaro sa susunod na round.

Titigilin ng Bidang Generics ni Coach Carlo Tan ang apat nilang pagkatalo sa ibayong pagsisikat ng mga player niya na sina Jason Deutchman, Raymond Aguilar at Marlon Adolfo habang ang University of the East-anchored na Ironmen ni Coach Lawrence Chongson ay sasandal kay PBA-draft bound Paulie at Ken Acibar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply