2 suspek sa Agusan hostage drama naaresto

KINUMPIRMA ngayong Sabado, Mayo 14, Philippine National Police na hawak na nila ang kinikilalang leader sa nangyaring Agusan hostage taking noong unang linggo ng Abril kasunod ng isang routine police operation sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang nadakip na lider ng limang araw na hostage drama na si Rijie “Kenken” Perez at ang kasamahan  nitong si Dodong Perez Sabas na nadakip ng mga tauhan ni Agusan del Sur Police Provincial Director Jerome Baxinela sa Sitio Balite Purok 6 Brgy. Lapurisima, Prosperidad Agusan del Sur.

Matandaan na 16 katao ang na-hostage noong unang linggo ng Abril kung saan siyam sa mga ito ay mga guro

Ayon kay Baxinela bandang 11: 50 ng umaga nitong Biyernes, Mayo 13, ay nasakote ng mga elemnto ng Agusan del Sur Provincial Public Safety Company ang mga suspek subalit nakatakas ang isa sa mga ito.

Nakuha sa pag iingat ng dalawa ang isang .45 caliber pistol at mga piyesa ng ng M16 rifle .

Si Kenken ang tinuturong lider ng limang Manobo tribesmen na humarang at tumangay sa may  16  na teacher , mag aaral at dalawang sibilyan sa  Prosperidad noong Abril 1 sa pakay na mapalaya ang kanilang kamag anak na si Ondo Perez na nakakulong din dahil sa kasong kidnapping noong 2009 na bumiktima rin ng mga guro. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply