20 container van ng ‘ukay-ukay,’ ido-donate

IPAMAMAHAGI ang may 20 container van ng “ukay-ukay” ng Bureau of Customs (BOC) sa mga maaapektuhan ng bagyong Chedeng na nananalasa na ngayong Miyerkules, Mayo 25.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang mga nasabing ido-donate na ukay-ukay na damit ay nakaantabay lamang at kanilang ipamimigay sa mga masasalanta ng ni Chedeng.

Ang nasabing ukay-ukay ay hot items na nakumpiska ng kanilang tanggapan kaya upang mapakinabangan ay maaari nang ipamigay sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ni Alvarez na walang dapat gawin ang mga local government units kundi makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare & Development (DSWD) o sa BOC kung kailangan nila ng mga donasyon mula sa naturang nakumpiskang ukay-ukay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply