20 taon kulong sa ex-mayor ng Compostela

HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong ng mula 12 hanggang 20 taon ang dating alkalde ng Compostela Valley matapos mapatunayang nagkasala sa dalawang bilang ng kasong katiwalian dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng overprice na gamot noong 2004 ng nakalipas na taon.

Sa desisyon ng 4th division ng Sandiganbayan, bukod sa pagkakakulong habambuhay ay hindi na rin makakaupo sa alinmang tanggapan ng pamahalaan si dating Montevista Compostela Valley Mayor Salvador Jauod Sr. at inatasan din ito ng graft court na magbayad sa pamahalaan ng P6.3 milyon.

Nag-ugat umano ang kaso ni Jaoud nang bigyan niya ng pabor ang DMI Medical Supply na bumili ng gamot sa halagang P10 milyon pero lumabas umanong umabot sa 10 porsyento ang diperensiya ng presyo ng gamot na binili sa DMI kumpara sa presyo nito sa merkado at ikinalugi ng gobyerno ng mahigit P6 milyon.

Sinasabing ang salaping ginamit sa transaksiyon ay pondo mula sa pork barrel ni Senador Ramon Revilla para sa botika ng barangay project.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply