200 depektibong timbangan nakumpiska sa QC

NAKUMPISKA ng awtoridad Martes ng umaga ang may 200 depektibong timbangan sa Quezon City public market.

Ang mga “madayang” timbangan ay natuklasang walang selyo mula sa Quezon City government at iligal na ginagamit ng mga tindero para makapandaya sa mga mamimili.

Ang pagkukumpiska sa 200 timbanagan ay pinangunahan ng QC Hall personnel sa pamumuno ng tanggapan ng Treasurer’s Office at sinalakay ang mga stalls at tindahan sa Cloverleaf Market sa Balintawak area.

Batay sa ulat na nakalap ng lokal na pamahalaan, nagpulasan ang mga tindero nang makita ang mga personnel ng city hall na nagsagawa ng surpresang pagsalakay sa lugar at sinuri ang ginagamit na timbangan.

Ang pamahalaan lkcal ay puspusang pinaigting ang pagsusuri sa mga timbangan ng mga manininda bunga ng mga natatanggap na reklamo mula sa customers na kulang sa timbang ang kanilang binibili sa mga nakapuwestong tindahan sa naturang lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply